Day 23 » 15 facts 10 facts about you
This is from my old blog in Friendster/Multiply:
Fact 1: Still true.
Hindi ako makakatulog na hindi nakatakip ang kumot sa paa ko. Di ko alam kung bakit, pero feeling ko kasi parati madumi lagi ang paa ko. Di ako makakatulog na walang kumot. Kahit sobrang init pa, kailangan ko pa rin ng kumot.
Fact 2: Not applicable. I realized that it’s fun and therapeutic walking and strolling in different places.
Tamad ako maglakad. Gagastos na ko ng malaki wag lang mainitan at maglakad. May pinagmanahan (o may napaghawaan).
Fact 3: Still true.
Mabilis ako magblush. Pag na-hot seat ako, mabilis ako mamula kahit hindi ako guilty. Okay na rin ang ganito at least hindi alam ng mga tao kung kelan ako guilty.
Fact 4: Still true.
Slow ako maka-gets ng joke. Kailangan pa may mag-explain sa kin ng point ng joke bago ko ma-gets.
Fact 5: Haven’t taken photos for a long time.
Mahilig ako kumuha ng mga litrato pero hindi ako photogenic.
Fact 6: Tea or coffee is my new addiction.
Kaya ko umubos ng isang katutak na gum sa isang araw. At the end of the day, ang sakit na ng panga ko kakanguya.
Fact 7: Took me time to learn how to manage my temper.
Mahilig ako mang-away ng tao..
..sabi nila. Pero pag ako ang inaaway, iyakin ako.
Fact 8: Still true. Plus Central’s bad trip drink.
Ang favorite alcoholic drink ko ay Jose Cuervo tequila.
Fact 9: I order black brewed coffee now.
Pag bibili ng kape sa Starbucks, Coffee Bean o Gloria Jean’s, ang inoorder ko parati ay Cafe Americano.
Fact 10: I love pancit canton!
Pinaglihi ako sa pansit bihon. Ang kwento sa kin ni Mommy nung time daw na naglilihi sya, nagpabili sya kay Daddy ng pansit canton pero ang nadala ni Daddy ay bihon tapos nag-away sila. Haha.
Walang kwenta no? =)
This was me three years ago. What happened?
melancholy
accomplished



Recent Comments